-- Advertisements --
Walang napagkasunduan ang Metro Manila Council ng nag-iisa o uniformed na class suspensiyon na ipapatupad tuwing makakaranas ng matinding init ng panahon sa Metro Manila.
Sinabi ni MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, na ipapaubaya na lamang nila sa kapwa alkalde ang desisyon sa pagkansela ng pasok.
Ito rin ang naging suhestiyon ni MMC Chair Romando Artes na dapat ang mga alkalde ang magdesisyon dahil sa alam nila ang kalagayan ng kanilang mga lugar.
Giit naman ni Zamora na sakaling magpasya ang Department of Education sa pagpapatupad ng uniformed approached sa tuwing mayroong mataas na heat index ay agad silang tatalima.