Naantala ang ilan sa mga flood control projects sa Metro Manila dahil sa hindi tamang paggamit ng halos 3/4 ng loan mula sa World Bank pitong taon na ang nakakalipas.
Sa isang implementation status at financial report na ipinakita ng ahensya noong Setyembre 30, nakita na halos $207.6 milyon na utang mula sa World Bank para sa proyekto ay nabawasan lamang ng $57.31 milyon na halos tinatayang nasa 27% ng naturang pondo.
Isa pang inaalala ng mga awtoridad ay ang nalalapit na pageexpire ng loan sa darating na Nobyembre 30 ngayong taon. Kung sakali mang hindi ito masolusyunan ay sasailalim ng restructure ang loan o maaaring mabigyan ng pagkakataong i-extend pa ang closing date nito.
Samantala, sa kabila naman ng mga antala sa panukala ay inangat pa rin ang overall risk ng proyekto mula sa ‘moderate’ ay inilagay ito sa ‘substantial’.
Ani pa ng World Bank, ang proyekto ay nakatulong ng malaki sa progreso na halos 15 mula sa 34 na pumping stations ang na-upgrade at apat na bagong estasyon naman ang underconstruction.