-- Advertisements --

Ilalagay na sa mas mababang alert level system ang Metro Manila simula Nobyembre 5.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pagbaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila ng hanggang Nobyembre 21 mula sa dating Alert Level 3 na ipinatupad noong Oktubre 16.

Kasamang inaprubahan din ng IATF ang rekomendasyon na ibase sa alert level assignments sa National Capital Region sa data na malapit sa implementation date.

Ibig sabihin nito ay simula Disyembre ang mga alert level assignments ay ipapatupad tuwing a-kinse at katapusan ng buwan.

Subalit ang alert levels ay maitataas anumang oras sa impelmentation period.