Pinagtibay na ng Metro Manila Council ang resolusyon na nagdi deklara ng State of Calamity sa buong Metro Manila dahil sa malawakang pagbaha at patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Carina at Habagat.
Nagpulong ang konseho ngayong hapon upang pagtibayin ang naging rekumendasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
Ginawa ni Abalos ang kaniyang rekumendasyon matapos makakuha ng ulat sa ibat ibang alkalde sa NCR.
Karamihan sa mga lugar sa kalakhang Maynila ay lubog sa tubig baha partikular ang mga siyudad ng Caloocan, Malabon at Navotas.
Pinangunahan ni Abalos ang pulong sa MMC kung saan si Metro Manila Council President at San Juan Mayor Francis Zamora ang nag moved para ideklaraang state of calamity sa NCR kung saan sinuportahan ito ni MMDA head Romando Artes at Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Una ng inihayag ni Pang. Marcos na pabor siya na isailalim sa state of calamity ang Metro Manila lalo at kita naman ang lawak ng mga pagbaha.
Aniya, nauubos na ang reserved funds ng mga local government units, kaya kailangan na nilang kumuha ng tulong mula sa national government.