Tinitingnan ngayon ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na gawing central vaccine hub ang Metro Manila kapag makarating na ang bakuna sa bansa.
Sinabi ni Heath Usec. Maria Rosario Vergerie, sa Metro Manila ang main holding area sa lahat ng vaccine hanggang maipamahagi ito sa ibang rehiyon.
Aniya, plano muna nila na magkaroon ng apat na cold storage rooms at dalawang walk-in freezers sa Metro Manila.
Pinagplanuhan din nila kung saan ang pinakaangkop na lokasyon na paglalagyan ng cold chain facilities upang makarating ang mga bakuna sa mga probinsiya.
Kabilang sa kanilang pinagpipilian ang Cebu, Bicol at Zamboanga.
Patuloy rin ang kanilang negosasyon may kaugnayan sa kasunduan sa pagpopondo ng cold storage facilities kung magkano ang gastos nito at ibabayad ng gobyerno at private agencies.