-- Advertisements --

Nasa Metro Manila pa rin ang may pinakamaraming bilang ng bagong kaso ng COVID-19.

Ayon sa OCTA Research Group ang Metro Manila ay nakapagtala ng 3,627 infections; Cavite 1,281; Laguna 779; Cebu 733 at ang Pampanga na may 626 cases as of August 25.

Kung maalala ibinaba na sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila mula sa enhanced community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan ng Agosto.

Sinasabing mabilis ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa dulot ng mas nakakahawang Delta variant.

Kung maaalala, noong Lunes naitala ng DOH ang pinakamataas na one-day tally ng mga kaso ng COVID-19 na umabot sa 18,332 cases.