Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayorya ng mga nasawi sa leptospirosis ay mula sa Metro Manila kasunod ng paglobo ng kaso bunsod ng malawakang pagbaha dala ng nagdaang bagyong Carina at Habagat noong nakalipas na buwan.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, nasa 43 katao na ang nasawi dahil sa naturang sakit kabilang ang 41 adults at 2 bata. Hindi naman idinetalye ng opisyal ang eksaktong bilang ng nasawi sa rehiyon.
Base naman sa datos mula Agosto 8 hanggang 13, nasa 523 na bagong kaso ng leptos ang naitala sa mga ospital ng DOH sa buong bansa kung saan 423 dito ay adults habang 100 kaso ay mga bata.
Ang naturang period ay pasok sa 2 linggong incubation period o panahon kung kailan lumabas ang mga sintomas ng sakit kasunod ng malawakang pagbaha na naranasan noong Hulyo 24,
Kaugnay nito, hinihimok ng DOH official ang publiko na tawagan ang hotline ng DOH para maalalayan sa mga concern may kinalaman sa leptos gaya na lamang kung may available na kama sakaling kailangang ma-admit.