Hindi muna tinalakay sa pulong ng mga Metro Manila Council ang naging proposal ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ilagay sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa.
Sa ginawang pagpupulong ng mga Metro Manila mayors, sinabi ng mga ito na makikipagpulong muna sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) for Infectious Disease sa mga susunod na araw para talakayin ang nasabing usapin.
Bawat alkalde aniya ay mayroon magkakaibang saloobin kung dapat na nga bang luwagan ang quarantine status lalo na sa NCR.
Sa naging pulong ng alkalde inaprubahan nila ang pagpababa ng mga edad na papayagang makalabas sa kanilang tahanan.
Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mahalaga ang usapin sa age limit.
Magugunitang iminungkahi ng NEDA na ilagay sa MGCQ ang quarantine status ng bansa sa buwan ng Marso para sa agarang makabawi ang ekonomiya ng bansa.