Nagkasundo ang Metro Manila mayors na ipaubaya na lamang sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang desisyon sa paghihigpit sa mga menor-de-edad na nagtutungo sa mga mall.
Base sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 21-29 na pumayag ang lahat ng 17 alkalde sa Metro Manila na ipaubaya na lamang sa IATF ang desisyon kung hihigpitan ba o papayagan ang mga bata na makapasok sa mga malls.
Nakasaad sa resolusyon na mahalaga ang pagkakaroon ng scientific at emperical data ganon din ang mga pag-aaral ng mga health, epidemiological at pediatric experts ukol sa nasabing usapin.
Sinabi naman ni MMDA Chairman Benhur Abalos na ang endorsement ng desisyon sa IATF ay para matimbang ang opinyon ng mga medical experts para sa kaligtasan ng taumbayan.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magpasa ng ordinans ang local government unit para pagbawalan ang mga menor de edad na magtungo sa mga mall matapos na isang menor de edad ang nahawaan ng COVID-19 ng ipasyal umano ng magulang nito sa mall.