-- Advertisements --
Kumambiyo sa kanilang mga posisyon ang mga Metro Manila Mayors at papayagan na rin daw nilang makalabas ng bahay ang mga bata o teenagers na edad 15-anyos hanggang 17-anyos.
Ayon kay Metro Manila council chairman Edwin Olivarez, na siya ring alkalde ng Parañaque City, kanila raw napag-alaman na ang Pilipinas na lamang ang naglilimita sa mga edad 18-anyos hanggang 65-anyos na makalabas ng mga tahanan.
Kaya naman ang mga LGUs daw sa NCR ay pabor na rin na dagdagan ito at pati na rin ang nasa 15-anyos hanggang 17-anyos ay papayagan na.
Una nang tinutulan ng grupo ng mga mayors sa Metro Manila ang naturang panukala ng IATF dahil pa rin sa takot na ang NCR ang epicenter pa rin ng COVID-19 at ang banta ng bagong variant.