-- Advertisements --

Magbobotohan pa ang mga alkalde ng Metro Manila kung kanilang luluwagan o hihigpitan ang quarantine status ng National Capital Region (NCR).

Kaugnay ito sa pagtatapos sa ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR sa Agosto 20.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, ito ang naging resulta ng pagpupulong ng mga alkalde nitong Martes ng gabi.

Kung anumang resulta ang botohan ay kanilang irerekomenda ito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Magugunitang nakatakdang ianunsiyo rin ng IATF ang bagong quarantine status ng NCR sa isang araw bago ang pagtatapos ng ECQ sa Agosto 20.