-- Advertisements --

Magsasagawa ng pagpupulong ang Metro Manila Council ngayong araw para pag-usapan ang posibildad ng pagsasagawa muli ng lockdown ng dalawang linggo para mapigilan ang hawaan ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, na susundin nila ang anumang maaring rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at Inter Agency Task Force (IATF) kung kailangan pa ng lockdown.

Dagdag pa ni Abalos na kukuha sila ng suhestiyon sa iba’t-ibang alkalde ng Metro Manila.

Magugunitang inirerekomenda ng OCTA Research ang pagkakaroon ng dalawang linggong lockdown sa Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng Delta variant.