Nagkasundo ang mga alkalde ng National Capital Region.
na higpitan ang multa sa mga lumalabag sa health protocols na ipinapatupad ng gobyerno para hindi na lumala pa ang kaso ng coronavirus.
Kinumpirma ito ni Metropolitan Manila Development Authority general manager Undersecretary Jojo Garcia ng makipagpulong ito sa mga Metro Manila Council (MMC).
Sinabi nito na kaniyang papataasan ang multa sa mga lalabag hindi lamang sa hindi pagsusuot ng face mask at maging sa physical distancing.
Umaasa ito na maipapasa na ang resolusyon sa mga susunod na araw.
Magugunitang mula ng inilagay sa community lockdown ang maraming lugar sa bansa ay marami pa rin ang naaresto dahil sa mga paglabag.
Kabilang na dito ang hindi pagsuot ng facemask sa mga pampublikong lugar ganun din ang hindi pagsunod sa social physical distancing.
Nanawagan din ang mga otoridad na magpatupad ng iisang multa na lamang dahil magkakaibang multa ang ipinapatupad sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.