-- Advertisements --
NCR Metro Manila
Metro Manila (photo from MMDA)

Majority umano sa mga alkalde sa Metro Manila ang sang-ayon na panatilihin sa General Community Quarantine (GCG) ang Metro Manila.

Kasunod ito ng pagtatapos ng 15 araw ngayon, Agosto 31 na ipinatupad na GCG.

Sinabi ni MMC chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na mayroong anim na miyembro ng IATF ang dumalo sa kanilang pagpupulong nitong Linggo ng gabi.

Nais daw kasi ng karamihang alkalde sa Metro Manila na panatilihin ang GCQ para tuluyang mapababa ang kaso ng COVID-19.