Sumang-ayon ang mga alkalde ng Metro Manila na suspindihin ang pagkumpiska ng mga lisensya sa pagmamaneho ng mga lumalabag sa trapiko hanggang sa maisapinal ng Land Transportation Office (LTO) ang mga panuntunan sa panukala nitong single ticketing system sa metropolis.
Sa isang pulong ng Metro Manila Council, ang governing body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga alkalde ay sumang-ayon din sa prinsipyo na ikonekta ang kanilang mga database sa LTO bilang bahagi ng single ticketing system.
Gayunpaman, ang mga lokal na pamahalaan ay maglalabas pa rin ng mga traffic violation citations, ngunit hindi kukumpiskahin ang mga lisensya sa pagmamaneho, hanggang sa ma-finalize ng LTO ang sistema, na inaasahan nitong maipatupad sa unang quarter ng susunod na taon.
Pinasalamatan ni Interior Secretary Benhur Abalos, na dumalo rin sa pulong, ang mga mayor sa Metro Manila sa pagsuporta sa single ticketing system at pagsang-ayon na itigil ang pagkumpiska ng mga driver’s licenses.
Samantala, sinabi ri ni Romando Artes, acting chair ng Metropolitan Manila Development Authority, na ang ahensya, Land Transportation Office, at 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay isinasapinal pa ang sistema na magbibigay-daan sa mga motorista na magbayad ng multa para sa kanilang mga paglabag sa trapiko sa mga itinalagang payments centers.