-- Advertisements --

Sinang-ayunan ng mga alkalde sa Metro Manila ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang pagpapasailalim ang National Capital Region sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na nagkaisa ang mga alkalde na ipagpaliban muna ang nasabing pagpapaluwag ng quarantine protocols.

Magugunitang ipinagpaliban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging hiling ng mga alkalde ganun din ang National Economic Developement Authority (NEDA) na paluwagin ang quarantine protocol para makabangon na ang ekonomiya ng bansa.

Ayon sa Pangulo na kapag nagsimula na ang vaccination program ay maaari ng luwagan ang quarantine protocol sa buong bansa.