-- Advertisements --

Halos lahat ng mga Metro Manila Mayors ay sang-ayon sa pagsasara ng mga sementeryo sa obserbasyon ng All Saint’s Day at All Soul’s Day dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia, na nakausap niya ang 17 alkalde at karamihan sa kanila ay sang-ayon sa pagpapasara ng nasabing mga sementeryo.

Magkakaroon pa muna sila ng pagpupulong sa darating Linggo para pag-usapan ang nasabing planong pagpapasara ng mga sementeryo.

Nauna rito inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasara ng mga sementeryo na kaniyang nasasakupan para maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng mga tao at sumunod naman ang ilang mga lugar gaya ng Muntinlupa, Pasay, Mandaluyong at iba pa.