-- Advertisements --

Tanggap naman ng mga iba’t-ibang mayor sa Metro Manila ang panawagan ng Malakanyang na magkaroon na lamang ng iisang ordinansa sa pagsusuot ng facemask sa pampublikong lugar.

Ang nasabing hakbang ay iminungkahi ng ilang opisyal ng gabinete mga Metro Manila Mayors.

Layon nito na magkaroon ng iisang multa na lamang na ipataw sa mga lalabag ng nasabing ordinansa.

Magugunitang maraming mga lugar na rin sa Metro Manila ang nagpatupad ng mahigpit na pagsusuot ng facemask sa publiko at bawat lugar ay may kaniya-kaniyang ipinapataw na kaparusahan.