-- Advertisements --

Nag-panic at agad lumabas sa mga gusali ang ilang trabahador at estudyante sa Metro Manila dahil sa 5.5 magnitude na lindol.

Marami ang nag-panic sa Metro Manila, kasunod ng 5.5 magnitude na lindol kaninang alas-4:28 ng hapon.

Ilang paaralan ang maagang nagpa-uwi ng kanilang mga estudyante, habang may mga tanggapan naman na pinalabas sa gusali ang kanilang mga tauhan.

Naitala ang epicenter sa layong 40 km sa hilagang silangan ng Burdeos, Quezon (malapit sa Polilio island).

May lalim itong 10 kilometro, kaya malawak ang nakaramdam ng pagyanig.

Nabatid na tectonic ang pinagmulan nito at aasahan pa ang ilang aftershocks.

Intensity IV – Jose Panganiban, Camarines Norte; Quezon City
Intensity III – Guinayangan, Quezon

Instrumental Intensity:
Intensity III – Quezon City; Tagaytay City

Naitala ito kaninang pasado alas-4:00 ng hapon.

Natukoy ang epicenter sa Burdeos, Quezon, sa bahagi ng dagat.

May lalim itong 10 kilometro lamang kaya itinuturing na mababaw.