-- Advertisements --

Nagtala ng 41 degrees Celcius (°C) at 45 °C ang Metro Manila nitong Linggo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration’s (PAGASA) na ang pinakamataas na heat index sa Metro Manila noong Linggo ay umabot sa 45 °C sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay habang mayroong 43°C ang naitala sa Science Garden monitoring station sa Quezon City at 41°C naman sa Port Area, Manila.

Itinuturing ng PAGASA na ang heat index sa pagitan ng 41°C hanggang 54°C bilang delikada na magdudulot ng heat cramps at pagkahapo.

Naitala ang pinakamainit sa Aparri, Cagayan na mayroong 45°C.