-- Advertisements --
Nakapagtala ng 38.8°C na temperatura sa Ninoy Aquino Internation Airport sa Pasay City nitong Sabado, Abril 27.
Ito na ang itinuturing na pinakamataas na recorded temperature sa Metro Manila.
Ito ay mas mataas sa naitalang 38.6°C na temperatura noong May 17, 1915 sa Port Area, Manila at May 29, 2021 sa parehong lugar sa Pasay City.
Nitong mga nakaraang linggo ay patuloy na nararanasan ang danger level na heat index sa ilang parte ng bansa na naging dahilan ng pagkansela ng face-to-face classes ng ilang mga bayan at probinsiyang apektado ng matinding init kasabay ng El Nino phenomenon.