Umakyat na umano sa moderate risk classification para sa COVID-19 ang Metro Manila mula sa dating low risk.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, base ito sa metrics na kanilang ginagamit subalit nilinaw naman nito na ang moderate risk ay hindi nangangahulugan na tataas na ang alert level sa rehiyon.
Patuloy pa rin aniyang binabantayan ang healthcare utilization na nananatiling napakababa pa sa ngayon na nasa 23%.
Iniulat din ni Dr. David na ang average daily attack rate (ADAR) ng Metro Manila ay kasalukuyang nasa 0.99 at tinatayang lalagpas sa 1.
Habang nananatili namang nasa “very high” ang reproduction number o bilang ng nahahawaan ng isang infected individual na nasa 1.56 at ang weekly positivity rate naman ay tumaas ng 3.3%.
Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa Alert level 1 ang buong Metro Manila hanggang June 30, 2022.
Pagtaya din ni Dr. David, aabot sa daang kaso lamang sakaling umabot sa peak ng surge ng COVID-19 sa Metro Manila at hindi naman makakaapekto masyado sa healthcare system.
Sakali man aniya na tumaas ang mga kaso lagpas sa naturang projections, kailangan aniya na pagaralan ang alert level status sa rehiyon.