-- Advertisements --

Dumadaan ngayon ang Metro Manila sa ‘seryosong pagtaas’ ng kaso ng coronavirus.

Ayon sa OCTA Research na mayroong mataas na reproduction rate ng virus mula pa noong Mayo 2020

Sa pinakahuling update ng mga panel of experts ng OCTA research mayroong 1.96 na ang reproduction number sa National Capital Region.

Mas mataas ito nsa naging hula ni Professor Guido David na 1.95 noong Marso 14 at 1.66 noong Marso 7.

Mayroon din aniya na pagtaas na 78% ang kaso ng COVID-19 pagkatapos ng isang araw.

Itinuturing pa rin na very high risk attack rates ang lungsod ng Pasay na mayroong 44.7 percent ang attack rate, Makati City na mayroong 27.4, Santiago, Isabela at Navotas city.

Sa Santiago City kasi ay mayroong naitalang 244 na kaso sa isang linggo mula Marso 10- 16.

Patuloy na rin bumababa ang bilang ng kaso sa Makati, Navotas at Pasay City.

Ilan sa mga lugar naman na may pagtaas na kaso ay sa Bacoor, Imus at Dasmarinas sa Cavite ganun din sa Antipolo at Cainta sa Rizal.