-- Advertisements --

Isinailalim sa signal no. 1 ang buong Metro Manila at maging ang ilang lugar sa bansa na dadaaanan ng Bagyong Tonyo lalo na at papalapit na ito sa bahagi ng southern Luzon.


Batay sa weather bulletin ng state weather bureau PAGASA as of 5 a.m., babaybayin ni Tonyo ang area ng Marinduque at probinsiya ng Mindoro at posibleng mag landfall sa vicinity ng southern Quezon o Batangas.

As of 4 a.m. kanina namataan ang bagyo sa layong 90 kilometers south southeast sa Alabat, Quezon gumagalaw patungong west northwest at 25 km per hour at may dalang hangin na 45 kph hanggang 60 kph.

Ang Bagyong Tonyo ay magdadala ng moderate to heavy rains sa Mindoro Provinces, northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Aurora, at eastern portions ng mainland Cagayan at Isabela.

Light to moderate and heavy rains naman sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa.

Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na tinaguriang danger zones.