-- Advertisements --

Maagang nagsidatingan sa Commission on Elections – National Capital Region Office sa San Juan City ang mga tagasuporta ng iba’t-ibang aspirants para sa 2025 midterm elections.

Doon maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga naghahangad maging kongresista sa Metro Manila mula ngayong Martes, Oktubre 1, hanggang sa susunod na Martes, Oktubre 8, 2024.

Saklaw dito ang mga kongresista, alkalde, bise alkalde at konsehal.

Kaugnay nito, naglaan ng mga tauhan ang National Capital Region Police Office (NCRPO), partikular na ang Eastern Police District at San Juan City PNP para sa kaayusan sa lugar.

Bagama’t papayagan ang mga supporters, ngunit hindi maaari ang labis na ingay sa mismong filing area upang hindi maapektuhan ang ibang mga nagtatrabaho sa lugar.