Posibleng makaranas ang Metro Manila ng malawakan at mabibigat na pag-ulan simula Oktubre, 2024.
Batay sa pagtaya ng state weather agency ng Department of Science and Technology (DOST), kailangang paghandaan ng Metro Manila ang hanggang sa 140% na pag-ulan sa loob ng tatlong huling buwan ng 2024.
Ito ay kasabay na rin ng inaasahang pagsisimula ng La Niña Phenomenon sa mga naturang buwan.
Ang mga pag-ulan sa panahong ito dito sa Metro Manila, ayon sa ahensiya, ay posibleng above-normal o mas marami kaysa sa normal na volume ng ulan sa iba pang bahagi ng bansa.
Pagsapit ng Oktubre, maaaring abutin ng 146.4% ang mga pag-ulan sa NCR; 149.8% sa Nobyembre; at 163.7% sa Disyembre
Una nang inanunsyo ng ahensiya ang hanggang 60% na tyansang mabuo ang La Niña sa bansa mula June hanggang Agosto.