-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) na hindi mababaha ang planong Metro Manila Subway.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade na isang eksperto sa pagbaha ang JIM Technology (JIMT) Corporation ng Japan.

Kung maikukumpara aniya ay mas matindi ang kalagayan ng Japan na mas maraming insidente ng pagbaha.

Tinawag pa ng kalihim ang project of the century na ito ay magkakaroon ng partial operation sa 2022 at magiging fully operational pagdating ng 2026.

Ang 35 kilometer subway project na isang underground railway system na pakikinabangan ng nasa 37,000 na pasahero.

Mayroong 17 stations mula Valenzela City hanggang Ninoy International Airport Terminal 3 at Food Terminal Inc. Complex.

Nitong Biyernes rin ay nagsagawa na ng Factory Acceptance Test ang Actual Tunnel Boring Machines (TBMs).