-- Advertisements --

Asahan umano ngayong araw ng Linggo ang maulap na panahon na may kasamang panaka-nakang pag-ulan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa latest bulletin ng the PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), aasahan ang nasabing lagay ng panahon partikular sa Cagayan Valley, Eastern Visayas, Aurora at Quezon, dahil sa “frontal system.”

Mararamdaman naman ang “southwesterly surface windflow” sa Region 4A at Western Visayas na magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang kulog at kidlat.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi naman ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may kasamang pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Kasabay nito, nagbabala ang PAGASA sa publiko na maghanda sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.