-- Advertisements --
MMDA MEETING

Pinaiigting pa ng Metropolitan Manila Development Authority ang operasyon laban sa colorum kasabay ng pagdagsa ng mga sasakyan nitong Semana Santa hanggang ngayong araw na inaasahang magsisibalikan pa sa Metro Manila ang ilang mga galing sa probinsya.

Layunin ng pagpapaigting na ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga commuter at maprotektahan mula sa mga nananamantalang driver na sobra sobra ang singil.

Karamihan umano sa nahuling colorum ay ang mga jeep na inaarkila para sa outing o di kaya ay gawing service.

Samantala, hanggang ngayong araw ay inaasahan parin na maraming mga pasahero ang magsisiuwian.

Panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority na kung babiyahe umano ay huwag magtatapon ng basura sa kalsada, sa halip ay itago nalang muna ito.

Payo naman ng ahensya sa mga babiyahe matapos ang Semana Santa na sigurohing naka kondisyon ang sasakyan upang maiwasan ang anomang aksidente.

Kung kinakailangan ay icheck ito bago umalis, kaligtasan umano ng mga pasahero ang dapat na prioridad sa tuwing babiyahe.

Magbaon rin daw ng maraming pasensya dahil maaaring sabay sabay ang mga sasakyang pabalik ng Metro Manila.