-- Advertisements --
image 224

Sa kabila ng pagkapuno ng dalawang impounding areas ng Metropolitan Manila Development Authority ay patuloy parin ang ikinakasang clearing operation ng ahensya para sa mga hindi sumusunod sa batas trapiko.

Sa ngayon ay mayroong halos 3,000 na sasakyan ang nasa impounding area sa Marikina samantalang 400 naman na sasakyan ang nasa SK Plaza malapit sa Libertad Roxas Boulevard.

Ngunit ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Spokesperson Melissa Carunungan, sa kasalukuyan ay mayroong expansion project para mabawasan ang pagka crowded ng impounding areas ng ahensya.

Samantala, nagpaalala naman ang ahensya sa mga may ari ng sasakyang kung paano nila ma rereclaim ito.

Ngunit karamihan umano sa mga ito ay unregistered at isa ito sa kailangang ipakita para makuha ang sasakyan.

Dagdag pa rito, kailangan rin umanong magbayad sa towing fee at traffic violation.

Nagpaalala rin ang ahensya na iwasan ang pagpark sa lalo na sa masisikip na kalsada dahil patuloy parin umano ang kanilang isinasagawang clearing operations.