-- Advertisements --
Narekober ng Metropolitan Manila Development Authority rescue and retrieval team ng apat na bangkay mula sa mga gumuhong gusali sa Adiyaman Province, sa naganap na lindol sa Turkey.
Pinasalamatan naman ng Turkish envoy ang Pilipinas para sa rescue aid matapos ang naganap na lindol, Nagpapatuloy pa rin ang search, rescue at retrieval mission ng Philippine Inter-Agency Contingent, kasama ang Metropolitan Manila Development Authority Urban Search and Rescue (USAR) Team, matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Southeastern Türkiye at northwestern Syria noong Pebrero 6.
Gumamit ang Metropolitan Manila Development Authority team ng “life locator machine” para masuri ang mga lugar sa paghahanap ng mga nakaligtas sa lindol.