-- Advertisements --

Walang pagpang-abuso na nangyari sa isinagawang pagresponde ng mga pulis sa London, sa nangyaring pamamaril sa dalawang aso na sina Millions at Marshall, ba-se narin sa inilabas na pahayag ng tagapagsalita ng Metropolitan Police Office.

Ito ang sinabi ni Bombo International Correspondent (BINC) Roland Crispo, direkta sa London, ng makapanayam ng Bombo Radyo.

Aniya, ba-se sa kuhang body cameras at CCTV footage, walang nilabag sa paraan ng pagresponde ang nasabing mga pulis.

Klaro din aniya na ‘sliced’ videos o panig lamang ni Louie Turnbull, may-ari ng mga aso, ang kumakalat ngayon sa social media, hindi ang kabubuang kuha ng video.

Sinasabing nag-ugat ang pagresponde ng mga police dahil sa naunang report ng isang babae na diumano’y muntikan na itong atakehin nina Marshall at Millions na agad namang pinuntahan ng mga armadong kapulisan.

Sa panig ng pulis, sinasabing mahinahon nilang kinausap ang may-ari, ngunit naging uncontrolled ito pati narin ang kanyang mga aso na diumano’y makikita sa body camers na niluwagan ni Turnbull ang tali ng mga alaga na akmang mang-aatake.

Sa ngayon, naka-detain ang may-ari ng mga aso dahil sa paglabag sa Dangerous Dogs Act of 1991, at sinasabing dati ng nasangkot sa kaparehong paglabag, na maituturing public threat sa nasabing lungar.

Samantala, may ipinapakalat din na petisyon sa nasabing bansa upang mapanagot ang mga pulis na namaslang ng mga aso.