-- Advertisements --

Nasa medical coma ngayon ang Mexican actor na si Manuel Masalva matapos na tamaan ng agresibong bacterial infection.

Ayon sa manager nito na si Jaime Jaramillio Espinosa, na naka-confine ang actor sa isang pagamutan sa Dubai, United Arab Emirates.

Malaki ang paniwala nito na nakuha ng actor ang bacteria sa kaniyang bakasyon sa Pilipinas noong Marso.

Pagdating aniya nito sa Dubai ay nakaramdam siya ng pananakit sa katawan kaya dinala agad ito sa pagamutan.

Dahil sa matinding impeksyon ng bacteria ay isinailalim na ito sa medically induced coma para maprotektahan ang utak sa anumang damyos.

Patuloy itong inoobserbahan sa pagamutan matapos na matukoy ang uri ng bacteria na pumasok sa actor.

Ilan sa mga pinagbidahan ng actor sa Netflix ay ang “Greco Family”, “La Guzman” at maraming iba pa.