Pumanaw na ang Mexican-American singer na si Trini Lopez sa edad 83.
Ayon sa kaanak nito, nagkaroon ng kumplikasyon ito sa coronavirus at nalagutan na ng hininga sa kaniyang bahay sa Palm Springs, California.
Isinilang sa Dallas na ang mga magulang ay Mexican nooong 1937.
Noong 15-anyos pa lamang ito ay bumuo na siya ng banda.
Inilabas ang kaniyang unang album noong 1963 at pumatok ang bersyon nito na kantang “If I Had A Hammer” ni Pete Seeger.
Nakasama rin ito sa pelikulang “The Dirty Dozen” noong 1966.
Taong 2003 ng tinanghal bilang International Latin Music Hall of Fame at kinilala naman sa Las Vegas Walk of Stars noong 2008.
Gumawa rin ito ng dalawang desenyo ng Gibson Gutar.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga sikat na singer sa buong mundo matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Lopez.
Isa dito ay ang lead vocalist ng bandang Foo Fighters na si Dave Grohl kung saan nagpost ito ng larawan ng gitara na disenyo ni Lopez sa social media account ng banda.