Maging ang kinikilalang “greatest fighter” ng Mexican boxing, ang legendary na si Julio César Chávez ay hindi rin pinaligtas ng mga kriminal.
Ito ay makaraang mabiktima si Chavez ng holdap sa kanyang pagdating sa Mexico City.
Kinumpirma ni Chavez sa kanyang social media account na tinutukan umano siya ng baril sa kanyang ulo kaya wala siyang magawa kundi ibigay na lamang ang kanyang relo at kuwintas.
Maging ang kanyang kasama ay nawalan din ng relo.
“I had just been the victim of an assault, after a gun was put to my head, my watch was snatched and my chain was taken from me, and Jorge (Peña) had his watch taken. There is no doubt that a life is lost in a second,” ani Chavez Sr. sa social media.
Si Chavez Sr., ay ang unang three-time champion sa kasaysayan ng Meksiko at kinikilala bilang “the greatest Aztec fighter of all time.”
Siya ay may total fights sa buong career na umaabot sa 115, kung saan 107 dito ay panalo, 86 via knockouts, anim na beses na natalo at may dalawang draws.