-- Advertisements --

Ibubuhos umano ni world super flyweight champion Fernando Martinez ang kanyang galing at lakas sa muling pakikibakbakan niya sa ring sa karibal na Pinoy at challenger na si IBF junior-bantamweight Jerwin Ancajas na gaganapin sa Dignity Sports Park sa Carson, California bukas.

Ayon kay Martinez, isang matinding bakbakan daw ang magaganap sa itaas ng ring.

Dagdag pa niya, hindi raw niya bibiguin ang kanyang mga fans maging ng lahat ng manonood para mapigilan na mabawi ni Ancajas ang kanyang korona.

Bilang isang kampeon ani Martinez, buong puso at may pagpapakumbaba daw niya bibitbitin ang responsibilidad na ipinagkaloob sa kanya.

Una rito, si Martinez ay wala pang talo at may rekord na 14-0 with 8 knockouts na nakapagpaulan nang maraming suntok noong buwan ng Pebrero kay Ancajas kung saan na-snatch niya ang belt ng Pinoy via unanimous decision.