Habambuhay na pagkakakulong ang ipinataw na hatol laban sa sikat na Mexican drug kingpin na si Joaquin “El Chapo” Guzman.
Napatunayan ng federal court sa New York na guilty ang 62-anyos sa 10 kaso nito na kinabibilangan ng drug trafficking at money laundering.
Ibinunyag ng witness sa korte ang ginawang pananakit ni “El Chapo”.
Magugunitang noong 2015 ay tumakas sa kulungan si Guzman sa gamit ang isang tunnel at hindi nagtagal ay naaresto din ito bago na-extradite sa US noong 2017.
Kilala si ‘El Chapo’ blang lider ng Sinaloa cartel na siyang pinakamalaking supplier ng droga sa US.
Umalma naman si ‘El Chapo’ dahil sa naranasan nitong psychological, emotional at mental torture habang ito ay nasa kulungan ng US.
Taong 2009 ng kabilang sa Forbes world’s richest man si Guzman na pang-701 na may estimate na yaman na $1 billion.
Bukod sa drug dealeers ay marami na rin itong napatay, dinukot at tinorture gamit ang kaniyang mga goons.