Pinag-aaralan na ng mga health experts sa Mexico kung paano nagpositibo sa coronavirus ang bagong silang na triplets.
Ang mga sanggol na isang babae at dalawang lalaki ay isinilang sa isang pagamutan sa San Luis Potosi.
Isa sa mga lalaking sanggol ang nagkaroon ng respiratory condition habang ang dalawa ay nasa mabuting kalagayan na.
Iniimbestigahan ng mga otoridad na maaaring naipasa ng ina sa pamamagitan ng kanilang placenta habang pinagbubuntis niya ang mga ito.
Pinagtataka rin ni State Health Secretary Mónica Liliana Rangel Martínez kung bakit naapektuhan na ang mga bagong silang sanggol.
Kasalukuyang sinuri ang mga magulang ng mga sanggol at sinasabing sila ay asymptomatic.
Magugunitang nagtala ng mahigit 185,000 na coronavirus cases ang Mexico kung saan mayroong 22,584 na ang nasawi.