-- Advertisements --

NAGA CITY- Wala pa rin umanong natatanggap na tulong pinansyal ang mga residente sa bansang Mexico sa kabila ng hirap na nararanasan dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa report ni Bombo International Correspondent Sherwin Lacsina, sinabi nito na sarili nilang pera ang kanilang ginagamit sa pang araw-araw na pangangailangan.

Karamihan umano sa mga kapus-palad dito ay nag aambagan na lamang upang mabigyan din ng tulong ang mga mamamayan na labis ring nangangailangan.

Sa kabila nito, malaya pa rin umanong nakakapasok sa kanilang mga trabaho ang mga mamamayan dito.

Ayon kay Lacsina, hinati sa dalawang groupo ang mga empleyado sa bansa kung saan ito ay ang essential at non-essential .

Kung saan patuloy parin sa pagpasok sa kanilang mga trabaho ang mga nasa groupo ng essential workers ngunit karamihan sa mga ito ay mas pinipili na lamang na manatili sa kanilang mga bahay.

Samantala marami narin ang nasampulan at nahuli ng mga otoridad sa lugar dahil sa paglabag at hindi pag seryuso ng mga ito sa polisiya na ipinapatupad ng gobyerno.

Sa ngayon, dalawang buwan na umano mula ng isailalim sa lockdown ang lugar at kasalukuyang nasa phase 3 lockdown.