-- Advertisements --

NAGA CITY – Hinihintay na ngayon ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pagbagsak ng overpass sa Mexico.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Xenia Titong, mula sa nasabing bansa, sinabi nito na nag-hire na ng international investigator si President Andres Manuel Lopez Obrador dahil hindi pa rin malinaw ang dahilan ng pagkakabagsak ng overpass.

Ayon kay Titong, marami umano kasing lumalabas na mga haka-haka patungkol sa insidente kasama na ang korapsyon na nangyari umano sa pagpapagawa ng nasabing overpass gayundin ang anggulo ng terorismo.

Mababatid na sinisisi ng mga mamamayan sa nasabing bansa sa dating administrasyon nito dahil sa hindi kaagad nito inaksyonan kahit pa may reklamo na may bitak na sa nasabing overpass dala ng nakaraang lindol noong 2017 sa nasabing bansa.

Ngunit, iginiit namn umano ng dating Prime Minister na malinis ang konsensiya nito.

Sa ngayon, nasa 24 katao an kumpirmadong namatay habang 79 naman ang sugatan matapos ang nasabing insidente.