-- Advertisements --

Kinumpirma ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador na nagpositibo rin siya sa COVID-19.

Agad naman niyang tiniyak na dumaras lamang siya ng light o mild symptoms at tumatanggap na rin siya ng medical treatment.

Kampante naman ang 67-anyos na presidente na agad siyang gagaling.

Si Obrador ay kilalang hindi nagsusuot ng face mask.

Sa ngayon ang bansang Mexico ay nakakaranas ng second wave ng pandemic at ito ang ikaapat sa buong mundo na may pinakamaraming death toll.