Dumepensa ang pangulo ng Mexico sa pagpapalaya nito sa anak ng kilalang drug kingpin.
Sinabi President Andres Manuel Lopez Obrador, na ang desisyon nito sa pagkansela sa pag-aresto kay Ovidio Guzman Lopez ang anak ni Joaquin “El Chapo” Guzman ay mas makakaligtas pa ng buhay.
Dagdag pa nito na ang pag-aresto ng isang criminal ay walang kuwenta kung kapalit naman nito ay buhay ng maraming tao.
Depensa pa ng pangulo na ang senior security officials ang nagdesisyon ng pagpapalaya kay Lopez na kaniya naman itong tinugunan.
Magugunitang umabot sa walong katao ang patay at 21 ang sugatan ng isilbi ng mga otoridad ang arrest warrant kay Lopez sa bahay nito sa Culiacan.
Ikinagalit ng mga residente ang nasabing desisyon ng pangulo dahil ang paglaban ng iligal na droga ang siyang pangunahing plataporma nito.
Si El Chapo ay siyang namumuno ng Sinaloa cartel na siyang pinakamalaking supplier ng droga rin sa US.