-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang Mexican composer at singer na si Armando Manzanero sa edad 85.

Kinumpirm ang Society for Authors and Composers ng Mexico ang pagpanaw ni Manzanero matapos na dapuan ng COVID-19.

Nalagutan na ito ng hininga habang nasa isang pagamutan.

Aabot sa 600 ang kanta na kaniyang ginawa kung saan ang kaniyang mga gaya ay kinanta ng ilang sikat na singer gaya nina Elvis Presley, Dione Warwick, Perry Como at maraming iba pa.

Nagwagi ito sa Latin Grammy noong 2001 dahi sa album nitong “Duets” at Lifetime Achievement awards noong 2014 na siyang unang Mexican na nakatanggap ng nasabing parangal.

Pinangununahan ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador sa pagpapaabot ng kalungkutan dahil sa pagpanaw ni Manzanero.