-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang Mexican singer-songwriter na si Paquita la del Barrio sa edad na 77.

Kinumpirma ito ng kaniyang kampo subalit hindi na binanggit ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Ang singer o Francisca Viveros Barradas sa tunay na buhay ay isinilang sa Veracruz, Mexico noong 1947.

Nakillala siya sa mga awitin na may mabigat na mensahe ukol sa pakikipahiwalayan sa pag-ibig.

Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Tres Veces te Engane” at “Rata de Dos Patas”.

Nabigyan siya ng Lifetime Achievement Award ng Billboard Latin Music Awards at ilang mga parangal.