-- Advertisements --

Nagpahiwatig si World Boxing Council (WBC) President Mauricio Sulaiman na bibigyan nila ng special distinction si Mexican superstar Canelo Alvarez.

Gayunman tumanggi muna si Sulaiman na ibunyag ang buong detalye sa naturang pagkilala kay Canelo.

Meron pa kasing malaking laban na nag-aantay kay Canelo para sa unification bout at ang kanyang pagdepensa sa WBC, WBA middleweight titles laban kay IBF world champion Daniel Jacobs.

Ang pagtutuos ng dalawa ay gaganapin sa May 4, 2019 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Una na ring iniulat ng WBC na sinuman ang manalo sa naturang laban ay magagawaran nang tinaguriang “Mayan belt.”

Kapwa naman nagpayabangan sina Canelo at Jacobs dahil wala pa raw nakakaharap na kasing tindi na boksingero ang bawat isa.