-- Advertisements --
Nagbitiw na sa kaniyang puwesto ang Ambassador to Argentina ng Mexico dahil sa alegasyon ng pagnanakaw nito ng libro.
Sa kaniyang resignation sinabi ni 77-anyos na si Ricardo Valero, an may dinaramdam itong sakit kaya siya nagbitiw sa puwesto.
Una ng tinanggal si Valero matapos kumalat ang CCTV footage na kumuha ng libro mula sa Buenos Aires shop ng hindi nagbabayad.
Ang $10 na libro na ipinuslit nito sa pamamagitan ng pag-ipit sa diyaryo ay tungkol sa biography ni Giacomo Casanova isang 18th century Italian writer.
Dahil sa pangyayari ay pinabalik na ito sa Mexico.
Inakusahan din ito ng pagnanakaw ng damit sa airport shop.
Tinanggap naman ni Mexican Foreign Minister Marcelo Ebrard ang nasabing resignation ni Valero.