-- Advertisements --

Ipinahayag ni Mexican President Andrés Manuel López Obrador na hindi magpapatay ng economic sanctions ang Mexico sa Russia.

Ito sa kabila ng patung-patong na sanctions na ipinataw ng iba’t-ibang mga bansa sa Russia nang salakayin ito ng Ukraine.

Ayon kay López Obrador na nais ng Mexico na magkaroon ng magandang relasyon sa lahat ng bansa sa buong mundo at nais munang makausap ang parehong panig ng dalawang bansa na sangkot dito.

Ang isang dialogo ang nais isulong ng presidente ng Mexico upang makamit ng lahat ang kapayapaan.

Bukod dito ay nagpahayag din ng hindi pagsang-ayon si López Obrador sa inilagay na censorship sa media ng Russia.

Una na itong ipinahayag ng nasabing pangulo noong panahong nakansela ang account ni US President Donald Trump.

Paliwanag niya ay hindi aniya siya sumasang-ayon na isailalim sa censorship ang anumang bansa sa buong mundo.