-- Advertisements --

Hindi nagmamadali ang Mexico na imbitahan si US President Donald Trump para sa isang state visit.

Ayon kay Mexican President Claudia Sheinbaum , na normal lamang ang pag-imbita sa isang pangulo ng bansa subalit kailangan lamang ito ng tamang panahon.

Sakaling maimbitahan nila si Trump ay magsasagawa sila ng kasunduan.

Magugunitang sa darating ng Pebrero 1 papatawan ng US ng 25% na taripa ang mga produkto mula sa Canada at Mexico.

Ganun din ang pagsasara ni Trump ng border nila ng Mexico na magreresulta sa pagpapauwi ng maraming Mexicans.