Ipinag-utos ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador ang foreign minister ng kanilang bansa na tumungo sa Washington upang subukan ayusin ang namumuong hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng Mexico at United States.
Ito ay matapos ang pagbabanta ni US President Donald Trump na tataas hanggang 5-25% kada buwan ang taripa na ipapataw nito sa mga produkto ng Mexico na ipinapasok sa kanilang bansa.
Ayon kay Obrador, kahit kailan ay hindi magiging sagot sa problema ng illegal migration sa bansa ang patuloy na pagtaas ng taripa.
“With all due respect, although you have the sovereign right to express this, the slogan ‘United States [America] First’ is a fallacy because, until the end of time, and even over and above national frontiers, universal justice and fraternity will prevail,” saad ng Mexican president.
Dagdag pa nito, sumusunod umano ang kanilang bansa sa ipinag-uutos ni Trump na unti-unting resolbahan ang nasabing problema ngunit nais pa rin nilang gawin ito ng hindi lumalabag sa karapatang pantao.