-- Advertisements --
Nag-alok ang bansang Mexico sa United States na magpapadala ito ng 6,000 miyembro ng kanilang national guard upang siguraduhin ang seguridad sa palibot ng southern boarder sa Guatemala.
Una ng nagpadala ng delegasyon ang Mexico sa Washington upang gawan ng paraan upang hindi matuloy ang pagpapataw ni US President Donald Trump ng mas mataas na taripa sa kanilang mga produkto.
Bilang parte ng deal sa pagitan ng dalawang bansa, iminungkahi ng US na ipa-deport na lang ang mga Guatemalan migrants na walang sapat na dokumentong maipapakita na legal ang kanilang pagpasok sa Estados Unidos.
Ngunit wala pang kumpirmasyon ang kampo ng US kung papayagan nila ang nasabing deal.